2 Pulis Nag Tago lang ng Makitang Barilin ang isang Tao! Huli Cam!

Inulan ng puna ang dalawang pulis na nakunan sa surveillance camera sa loob ng isang tindahan na nagtago nang pumasok ang isang lalaki na biktima nang pamamaril sa Pasig City sa halip na rumesponde.

Sa ulat ni Oscar Oida sa GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, ipinakita ang CCTV footage na kuha sa loob ng isang botika sa Pasig city noong gabi ng November 11. –

Sa video, makikita ang dalawang pulis na nakauniporme na nasa loob ng tindahan. Maya-maya, nagkaroon ng putok ng baril at biglang pumasok ang isang duguang lalaki.
Kaagad naman tumakbo ang dalawang pulis at naapakan pa ng isa ang sugatang biktima para sumiksik sa dulong bahagi ng botika.
Makikita rin ang bahagyang pagpasok ng salarin na iniumang pa ang baril sa kinaroroonan ng biktima na katabi ng mga pulis at bigla ring umalis.

Loading...

Facebook Comment

Latest Posts

Random Posts