40 na Mag Aaral Sabay Sabay na Sinaniban?

Sanib o mass hysteria?

Ito ang tanong matapos biglang magwala habang nagka-klase sa loob ng isang paaralan sa Sagbayan, Bohol ang 37 babaeng mag-aaral.

Sa ulat ng GMA News TV’s Balitanghali nitong Sabado, sinabing bigla na lang nagwala at nagsisigawa ang mga estudyante noong Huwebes.

Ang apat umano sa mga mag-aaral, sa kani-kanilang bahay na umano “sinapian” ng kung anuman na dahilan din ng kanilang pagwawala.

Ayon sa ilang guro, bago magyari ang insidente ay napansin nila na mayroong tila pagbabago sa gawi ng mga bata sa nakaraang mga araw.

Dahil sa nangyari, marami umano sa mga mag-aaral ang hindi pumasok sa klase nitong Biyernes.

Loading...

Facebook Comment

Latest Posts

Random Posts