Atom Araullo Nagapaliwanag Ukol sa pagre-resign bilang news reporter

Atom Araullo, kinumpirma ang pagre-resign bilang news reporter ng ABS-CBN. Nagsalita na si Atom Araullo matapos lumutang ang balita na nagbitiw na siya bilang news reporter ng ABS-CBN.

Sa Facebook post ni Atom, sinabi nito na ilang linggo na ang nakalilipas nang mag-resign siya sa kanyang trabaho bilang mamamahayag ng nasabing TV network.

Atom-Araullo

Bagaman nag-resign na, sinabi naman ni Atom na mananatili pa rin siyang anchor sa kanyang mga programa sa ABS CBN. Nilinaw din ng ABS CBN news anchor na walang kinalaman ang kanyang ‘political views’ sa naging desisyon nito.

Ang kanyang pagbibitiw aniya ay bunsod ng pagnanais nito na palawakin pa ang mga kaalaman bilang isang journalist.

Loading...

Facebook Comment

Latest Posts

Random Posts