John Wayne Sace, Malubha ang Lagay Pagkatapos Pagbabarilin Ng Riding In Tandem

Ang dating teen idol na si John Wayne Sace ay kasalukuyan umanong nasa malubhang kalagayan sa isang pagamutan sa Pasig City matapos siyang pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo noong Lunes ng gabi, ika-10 ng Oktubre.

john-wayne-sace-image-from-john-wayne-saces-twitter-account-1132x509-c

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, idineklarang dead on arrival naman ang isang kaibigan na kasama ng aktor noong oras ng pamamaril.

Si John Wayne, 27-anyos, ay dating miyembro ng Star Magic Circle ng ABS-CBN Batch 11 (2002) kung saan kabilang rin ang mga sikat na artista ngayon na sina Pauleen Luna, Maja Salvador, Glaiza De Castro, at magkapatid na Raver at Rodjun Cruz.

Miyembro din siya noon ng ASAP boy dance group na AnimE, kasama sina Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Oliver Mhyco Aquino, Sergio Garcia, Emman Abeleda at Mico Aytona.

Source :

Manila Bulletin

 

Loading...

Facebook Comment

Latest Posts

Random Posts