Lalaki Patay Matapos mag Boxing at Mauntog sa Semento!

Nauwi sa trahedya ang masaya sanang pa-boxing sa kalye sa isang barangay sa San Miguel, Maynila nang pumanaw ang isang manlalaro matapos masuntok at tumama ang ulo sa semento.

Sa ulat ni Mark Zambrano sa GMA News “24 Oras” nitong Sabado, ipinakita ang video footage sa paglalaban ng dalawang lalaki sa palarong boxing na ginawa sa barangay 646 sa San Miguel.

Bagaman kapwa sila naka-boxing gloves, wala naman silang suot na proteksyon sa ulo.

Hindi nagtagal, tinamaan ng suntok sa panga ang nasawing si Rudio Legaspi, 28-anyos, at natumba.

Kaagad siyang pinagkaguluhan ng mga tao nang hindi kaagad siya nakatayo.

Ayon sa mga nakakita, nagkamalay pa si Legaspi at nagsabing gustong matulog at saka sumuka kaya dinala na siya sa ospital kung saan siya binawian ng buhay.

“Nasapul siya dito [itinuturo ang panga], pagtama diretso bumagsak, tumama yung ulo,” ayon kay Julius Gumban, amo ng biktima.

Sinasabing nagkaroon umano ng pagdurugo sa utak ni Legaspi kaya ito namatay.

Loading...

Facebook Comment

Latest Posts

Random Posts