Tumakbong Nakabanga Hinabol ng mga Motorista!

Nagmadali, nag-overtake, nakabangga ng motorsiklo. Ganito ang ginawa ng isang motoristang nakunan ng video sa Laguna at hindi man lang tinulungan ang naaksidente niyang rider.

Sa kuha mula sa dashcam ni YouScooper Willy, makikitang binabagtas nito ang maluwag na daloy ng trapiko sa National Road sa Biñan, Laguna nang biglang mag-ovetake mula sa kaniyang likuran. Hindi nagtagal, nasalpok na ng puting sasakyan ang kasalubong na motorsiklo na nasa tamang linya.Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon mula sa kanyang motorsiklo ang rider.

Muling umarangkada at iniwan ang kaniyang nabangga. Dito na siya hinabol ng ibang motorista kasama na ang kumukuha ng video na si Youscooper Willy hanggang sa masukol ng awtoridad.

Source: gmanews ,VK

Loading...

Facebook Comment

Latest Posts

Random Posts